to my brightest
the first carrd i’ve ever made in my entire life was last year, on your birthday as well. aside from a birthday greeting, it was also a confession that i feel the same way that you did. i remember so clearly, exactly a year ago at the beach, even though we were surrounded by lanterns, the person beside me was the brightest one of all.
happy birthday po, asawa ko! can you believe it? second birthday mo na po ito na magkasama tayo. saktong isang taon ang nakalipas, wala akong ideyang ang taong nagdiwang ng kaarawan noon ay siya rin palang nakalaan para sa ‘kin, para makasama ko habangbuhay. wala akong kaide-ideya sa mga araw na sasalubong sa akin: mga araw na sobrang saya dahil kasama kita. pakiramdam ko tuloy, ako ‘yung may kaarawan araw-araw. sa bawat pagmulat ng mata, sa bawat sasalubunging umaga, nasa tabi ko ang pinakamagandang regalo sa buong mundo.
salamat, asawa ko. sa lahat-lahat po. for being the sweetest, most caring, most loving, kindest, most handsome (and kinkiest-) husband, thank you so much. you make me so, so happy, you have no idea. kahit sawa ka nang marinig mula sa ‘kin, uulit-ulitin ko pa ring lubos akong nagpapasalamat sa presensya mo, sa pagmamahal mo, sa pag-alaga, sa maiinit na yakap at matatamis na halik, sa pagiging asawa ko. totoo ngang ako ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo dahil sa ‘yo. salamat po at ako ang pinili mo.
for this day of yours, i hope po nag-enjoy ka naman sa mga pasabog ko- sobrang dami ko pong baong tissue... para sa ‘yo at para sa ‘kin- i wish you nothing but the best of the best, good health, strong bones dahil kailangan mo ‘yan sa pagbuhat sa ‘kin- lots of strength, peace, looots of love, sunshines and rainbows in your days, lots of happiness and all of your wishes to come true.
tama na po, baka maiyak na- pero sige, sagarin na natin-
from top left po muna, ha? dating gawi! 🤣
ᜁᜒᜃᜏᜓ ᜌᜓᜅ᜔ ᜊᜒᜄᜓᜎᜅ᜔ ᜇᜓᜋᜆᜒᜅ᜔ ᜈ ᜀᜌᜏ᜔ ᜃᜓ ᜈᜅ᜔ ᜉᜃᜏᜎᜈ᜔ ᜉ.
(1)
kapag kailan ng masasandalan,
ikaw pa ri’y nandiyan.
isang tapik lang sa iyong balikat,
mainit na bisig na agad ang nakaakibat.
sa tuwing ako’y titingin, paligid ay lalong nagniningning.
sa isang taong lumipas,
hanggang ngayon, mga nadarama’y walang pagbabago.
nanghuhumaling pa rin ako sa ganda ng iyong ngiti.
tiyan ay para paring kinikiliti.
natutunaw pa rin ako dahil sa iyong mga pagtitig.
natutulala pa rin ako’t halos walang salitang ibig na lumabas mula sa aking bibig.
kapag nakatingin sa ‘yo, puso ko’y oara paring sasabog,
para bang sa loob ng dibdib ko’y may kumakalabog.
(2)
tunay ngang isang anghel ang pinadala sa ‘kin ng mga tala.
isang anghel na ayaw ko nang mawala.
isang anghel na sigurado akong dumating talaga para sa akin.
para ako’y tanggapin.
para ako’y mahalin.
para ako’y tulungang maglakad sa madilim na daanan.
para laging ipakita sa akin ang mga emosyong sa kaniya ko pang nararamdaman.
(3)
kapayapaan.
natatamasa ko lamang ito kapag ako’y nakakulong sa loob ng iyong mga bisig.
init ng yakap na kay bisang panlaban sa kahit anong lakas ng bagyong dumadaan.
ang yakap mong hanggang ngayo’y nagsasabi na kahit gaano kadilim o kapanganib ang mundo,
may nag-iisang ligtas na lugar para sa akin.
at sa loob iyon ng mga bisig mo.
ang mga bisig mong handa pa rin akong saluhin,
handa pa rin akong sagipin,
handa pa rin akong ingatan,
handang pa ring ibigay sa akin ang kapayapaan.
(4)
kasiyahan.
nararamdaman ko ito dahil pa rin sa iyong presensya.
oo, masaya pa rin ako dahil lang sa presensya mo.
kay babaw ba? pasensya na.
ngunit ‘yan pa rin ang katotohanan.
sa tagal ng panahong ika’y kasama,
walang araw na ‘di ako nakaramdam ng saya.
parang harding puno ng bulaklak,
buhay ko’y sobrang naging makulay,
puso ko’y laging napapalagay.
ibang klase pa rin, kung aking tutuusin,
ang kasiyahang pinaparamdam mo sa akin.
kasiyahang sa ‘yo ko lang natatamasa.
kasiyahang sa mga mata mo lang nakikita.
(5)
pagmamahal.
sa piling mo naranasan ang tunay na kahulugan nito.
simula no’ng una, hanggang ngayon,
pagmamahal mo’y sa ‘kin pa rin nakatuon.
minsa’y kahit anong lamig ng gabi,
mas umaapaw pa rin ang pag-ibig natin.
ka’y swerte ko naman talaga,
isang tulad mo ang ibinigay sa ‘kin bilang isang biyaya.
pag-ibig? kapag ako’y tinanong ng depinisyon,
pangalan mo lamang ang aking itutugon.
taong mahal ko?
walang iba kun’di ikaw, sinta ko.
(6)
sa mahabang listahan ng aking mga nararamdaman,
unti-unti, akin itong naintindihan.
bakit ko ba ito nararamdaman?
bakit sa ‘yo ko lang ito nararamdaman?
tuwing titingnan ka sa iyong mga mata,
kasaguta’y do’n ko pa rin nakikita.
ang tanging makakapagpatahimik sa gumugulo sa isip ko.
ang tanging kasagutan sa lahat ng tanong ko.
ikaw.
mahal pa rin kita, yoon jeonghan.
mahal na mahal kita.
at ikaw ‘yung biglang dumating na ayaw ko nang pakawalan pa.
mahal na mahal po kita, asawa ko. happy birthday po!
since day one...
“...all at once everything looks different now that i see you...”